MASBATE – Nasawi sa engkwentro ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) laban sa tropa ng pamahalaan sa Pio V Corpuz, Masbate nitong Martes, Hunyo 11, 2024.
Kinilala ang nasawing si Alvaro Compuesto Jr. alyas ‘Bunso’ o ‘Junior’ ng Barangay Guindawahan parehong bayan.
Ayon kay Captain Frank Roldan, ang tagapagsalita ng 9th Infantry Division Philippine Army, naganap ang sagupaan habang nagpapatrolya ang platoon mula sa Alpha Company ng 2nd Infantry Battalion sa Barangay Tubog.
Tinatayang aabot sa 12 miyembro ng Komiteng Larangan Guerilla South, Sun Regional Committe 4 na pinamumunuan ni Bobby Canete alyas ‘Denden’ ang nakasagupa ng militar na tumagal ng 20 minuto.
Kinumpirma ng pwersa-militar na kabilang ang ama ng namatay na NPA sa mga nakaengkwentro nila.
Samantala, narekober sa lugar ng engkwentro ang isang M14 rifle, isang M16 rifle at M653 rifle.






