ALBAY – Naghatid ng kasiyahan ang Ako Bicol Partylist sa mga buntis sa Legazpi City sa idinaos na Tarabangan Caravan ng partido sa Embarcadero de Legazpi nitong Sabado, Marso 16, 2024.
Kabilang sa mga ipinamigay na regalo ng partido ay maternity kit, bitamina at marami pang iba sa 100 pregnant moms sa lungsod.
Ayon kay Atty. Alfredo Pido Garbin Jr. ang Executive Director ng Ako Bicol Partylist, layunin nilang mabigyan rin ng kasiyahan ang mga buntis sa lungsod lalo na ngayong Women’s Month Celebration.
Bukod sa pamimigay ng mga regalo, ipinasailalim din ang mga buntis sa seminar upang mabigyan sila ng mas malawak na kaalaman sa pagpapamilya.
Ipinagpapasalamat naman ni Pamela Pabit, ang Midwife VI at Safe Motherhood and Family Planning Program Manager ng DOH Bicol CHD ang inisyatibo ng partido dahil nakakatulong ito para sa pagpapalaganap nila ng mga importanteng kaalaman sa Family Planning, malusog at ligtas na pagbubuntis at iba pa.





