ALBAY – Matagumpay na idinaos ang Regional Roadshow on Business Name and One-Person Corporation Registration ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol sa pakikipagtulungan ng Securities and Exchange Commission Bicol (SEC) nitong Miyerkules.
Layunin ng roadshow na hikayatin ang local entrepreneurs na iparehistro ang kanilang negosyo gayundin na madagdagan ang kaalaman ng mga ito sa pagnenegosyo.
Kabuoang 100 Local Micro-Small and Medium-sized Enterprises (MSME’s) owners ang aktibong dumalo sa roadshow.
Ayon kay DTI Bicol Director Dindo Nabol, ang inisyatibo nilang ito ng SEC Bicol ay siguradong magbibigay ng magandang epekto sa economic growth ng rehiyon.
Samantala, nakapagtala ang opisina ng DTI Bicol ng 12,000 business registration sa unang anim (6) na buwan ng kasalukuyang taon.
Nitong 2023, probinsya ng Camarines Sur ang may pinakamaraming naitalang business registration, sinundan ng Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Masbate at Catanduanes.






