CAMARINES SUR – Nasampulan ang nasa 115 motorista sa ikinasang One-Time Big Time Checkpoint Operation sa Barangay Mabolo at Barangay Concepcion Grande sa Lungsod ng Naga nitong Hunyo 27, 2024.
Ayon kay PSSG Roberto Aguillon ang Assistant PIO ng Naga City Police Office, 89 na motorista ang naisyuhan ng citation tickets, 26 na motorista ang naisyuhan ng temporary operator’s permits, 2 naman na motorista ang kinumpiska ang plaka at dalawa ang na-impound ang motorsiklo.
Layunin aniya ng operasyon na maiwasan ang mga aksidente sa kalsada na kadalasang kinasasangkutan ng mga pasaway na motorista.
Samantala, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group, Land Transportation Office (LTO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at Naga City Public Safety Office.






