1,313 na PDL sa Bicol, inaasahang boboto sa BSKE 2023
LEGAZPI CITY – 1, 313 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang inaasahang boboto sa Bicol sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BKSE) sa Oktubre 30.
Ayon kay Comelec Regional Director Atty. Maria Juana Valeza, tulad ng magiging botohan sa labas ng piitan, may mga itatalaga rin silang Electoral Board sa anim (6) na probinsya sa rehiyon upang umalalay sa mga bobotong PDL.
Tulad ng poll body, patuloy din ang ginagawang paghahanda ng BJMP Bicol upang masigurong magiging maayos at matagumpay ang halalan lalo na sa kanilang piitan.
Bukod sa Voting Centers sa Jail Facilities, pinaghahandaan din ng ahensya ang gagawing pagboto sa labas ng piitan ng ilang PDL.
Nasa 22 na Detention Centers naman ang inaasahang gagamitin bilang Voting Centers para sa BSKE 2023.


