Umabot sa kabuoang 161,664 passenger arrivals sa bansa ang naitala mula December 23 hanggang 25.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, dapat lamang na ipagdiwang ito para sa tourism at international travel sectors.
Dagdag pa ni Tansingco, na nasa 130,497 passenger departures ang naitala sa naturang tatlong araw sa bansa.
Mula sa nasabing bilang ng arrivals, 81% ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bago ang COVID-19 pandemic, mayroong average na 55,000 daily arrivals at 47,000 daily departures tuwing buwan ng Disyembre.






