Nakahanda para sa deployment ang nasa 17 air assets para tumulong sa rescue at relief efforts sa mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine.
Sa Palace press briefing, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Director Edgar Posadas, hiningi na nila ang commitment ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pamamagitan ng J-3 military operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“In fact, nakita ko na po iyong listahan ng mga equipment, mayroon din po tayong 17 na air assets ‘no na naka-preposition sa Villamor, naka-preposition sa Cebu which are readily deployable weather permitting kasi we have to be sure din po that our pilots, our assets are safe,” ani Posadas.
Tiniyak ni Posadas na ang iba’t ibang tulong ng gobyerno ay papunta na sa Bicol Region at iba pang apektadong probinsya.




