ALBAY – Arestado ang isang street-level individual sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Tabaco City Police sa Purok 3, Brgy. Cormidal, Tabaco City nitong Lunes, Hunyo 10, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Boy’, 44-anyos, at nakuha sa kanyang posisyon ang isang green pouch laman ang pitong pakete ng shabu na may bigat na 26.341 gramo na nagkakahalaga ng 179,000 pesos, drug parapernalia at iba pang personal na gamit.
Matagal nang binabantayan ng awtoridad ang galaw ng suspek dahil sa patuloy na pagpapakalat ng pinagbabawal na droga.
Mahaharap ang suspek sa kasong kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.






