Nakapagtala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 ng higit 19,000 pamilya na maaari nang magsipagtapos sa ilalim ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) para sa unang semester ng 2024.
Ayon kay DSWD Bicol Pantawid Case Management Focal, Jay Aydalla, nasa 19,392 4Ps households ang inendorso sa kani-kanilang local government units (LGU) matapos umangat sa Level 3 o Self-Sufficient batay sa assessment ng ahensya.
Ang mga miyembro ng 4Ps ay binabase sa social welfare development indicator (SWDI) sa tatlong kategorya: Level 1 (Survival); Level 2 (Subsistence); at Level 3 (Self-Sufficient).
Aniya, kapag ‘self-sufficient’ ang pamilya, hindi lamang ito nangangahulugan na para lang kita, pero ito ay yung kayang paunlarin ang kanilang skills, livelihood, education at social awareness.
Ang mga pamilya ay inendorso na sa iba’t ibang LGU para sa Pugay Tagumpay graduation ceremony.





