Higit walong milyong tao o higit dalawang milyong pamilya ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 2,179,856 na pamilya o 8,534,215 na individuwal ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Karamihan sa mga naapektuhan ay mula sa Bicol Region na nasas 3,027,690 persons, kasunod ang Central Luzon na nasa 1,092,915, at CALABARZON na nasa 1,014,810.
Nasa 261,612 katao o 60,367 na pamilya ang nananatili sa 1,351 evacuation centers sa 17 rehiyon, habang 548,133 indibiduwal o 113,705 na pamilya ang nananatili sa ibang lugar.
Nasa P7,352,116,526.45 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, habang P4,437,215,186.97 ang pinsala sa agrikultura.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapagbigay na ng P713.1 million na halaga ng assistance sa mga pamilyang naapektuhan ni Kristine at Leon.
Sa datos ng NDRRMC, nasa 146 ang namatay, 91 ang sugatan habang 19 ang nawawala.





