Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pilipina matapos madiskubre ang kanilang pekeng marriage sa Chinese Nationals.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang dalawang babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws ay hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at Mactan International Airport (MCIA) nitong July 23 at 24.
Kaya muling paalala ni Tansingco sa mga Pilipino na protektahan ang sarili at siguruhing magtatrabaho abroad sa legal na paraan.
Isa sa hinarang ay 20-anyos na babae kasama ang isang Chinese na nagpapanggap na kanyang asawa. Papunta umano sila sa Chengdu, China at nagpakita pa ng tunay na Philippine Statistics Authority (PSA) Marriage Certificate at mga litrato ng kanilang kasal.
Subalit nang tanungin na sila ng immigration officers, inamin ng babae na inayos lamang ng isang fixer ang sinasabing marriange documents at binayaran nila ng 45,000 pesos.
Ang isa naming babae, 23-anyos, ay hinarang matapos sabihing pupunta ng China para bisitahin ang asawa. Napagprisenta naman ng marriage certificate at civil registrar’s office records na ikinasal noong Marso 2024 at isang Commission on Overseas Guidance and Counseling Program certificate.
Pero kinuwestyon ng mga immigration officers ang kanyang mga dokumento dahil sa hindi ito magkakatugma sa kanyang mga pahayag at sa mga ipinakitang dokumento.
Itinurn-over ang dalawang Pilipina at Chinese national sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para maimbestigahan.






