ALBAY – Panibagong 264 na pulis mula sa Bicol ang nakapagtapos sa Public Safety Junior Leadership Course (PSJLC) nito lamang nakaraang linggo.
Anim (6) na buwan ang naging training at pag-aaral ng mga estudyanteng pulis sa nasabing kurso sa loob mismo ng Philippine National Police Bicol-Regional Training Center (PNP Bicol – RTC) sa Camp Simeon Ola, Legazpi City.
Kumpyansa si Police Executive Master Sergeant Ryan Llenaresas, ang tagapagsalita ng RTC Bicol, na magagamit ng mga graduate ang lahat ng natutuhan nito sa loob ng kampo.
Tiwala naman ni Police Lieutenant Colonel Rommel Elardo, ang Assistant Chief ng RTC Bicol at Chief ng Non-Academic Section na maging mabuting pulis sa kanilang nasasakupan at gamitin ang kanilang natutuhan upang maging produktibo at epektibo silang alagad ng batas.
Samantala, bumalik na sa kaniya-kaniyang istasyon ang mga nakapagtapos na pulis upang ipagpatuloy ang kanilang pag-sisilbi sa mamamayan.






