ALBAY – Pormal na nagsipagtapos ang kabuoang 299 na bagong pulis na kabilang sa Class Mabanaag Batch 2023-01 Alpha to Foxtrot na nag-aral sa Public Safety Basic Recruit Course sa Philippine National Police (PNP) Bicol Training Center sa Kampo Heneral Simeon Ola sa Legazpi City, nitong Huwebes, Mayo 24, 2024.
Anim na buwang sumalang sa training ang mga graduates.
Hangad naman ng tanggapan ng Regional Trial Court (RTC) Bicol na gamitin sa maayos ng bagong pulis ang kanilang mga natutuhan sa trainings at maging magandang ehemplo sa komunidad.
Nanguna sa class Mabanaag batch 2023-01 si Patrolwoman Charisse Ann Avisado ng Donsol, Sorsogon.
Dumalo naman sa seremonya si PNP Bicol Regional Director Police Brigadier General Andrei Perez Dizon, NAPOLCOM Director Atty. Manuel Pontanal, Assistant Chief TC5 Non Academic Section Police Lieutenant Rommel Elardo, Chief Academic Section Arlene Roldan, OIC Administrative Section Ma. Rosario Orolfo at si Buhi Camarines Sur Mayor Rey Lacoste.
Matapos ang graduation, itatalaga ang mga bagong pulis sa iba’t ibang police station sa Bicol para sa kanilang field training exercise para sa Patrol, Traffic, at investigation na magtatagal ng anim na buwan bago na maging full pledge police officer.






