Idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang pangalawang linggo ng Oktubre ng bawat taon bilang National Myopia Consciousness Week para itaas ang kamalayan sa naturang eye disease
Ang Myopia o mas kilala bilang nearsightedness. Ang mga taong mayroong ganitong kondisyon ay nahihirapang makakita sa malayo.
Batay sa Proclamation No. 722, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 28, iginiit ng pangulo ang kahalagahang itaas ang kamalayan sa peligrong idinudulot ng myopia at kilalanin ang importansya ng prevention at control para mahikayat ang healthier lifestyle habits para sa mga Pilipino.
Inaatasan ng punong ehekutibo ang Department of Health (DOH), Professional Regulations Commission (PRC) at Board of Optometry, para pangunahan ang taunang paggunita ng National Myopia Consciousness Week.
Ang iba pang tanggapan ng gobyerno kabilang ang state universities and colleges, local government units, at pribadong sektor ay hinihikayat na makilahok sa suportahan ang DOH at PRC sa programa.
TRANSPORT COOPERATIVE DAY
Idineklara naman ng pangulo ang October 19 ng bawat taon bilang Transport Cooperative Day.
Sa ilalim nito, binibigyang halaga ang kontribusyon ng mga kooperatiba sa pagsusulong ng maayos na public transportation.
Sa Proclamation No. 723 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pagkilala sa papel ng mga transport cooperatives sa pagpapahusay ng transport sector.
Ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pangunahan ang taunang paggunita ng Transport Cooperative Day.
Ang iba pang tanggapan ng gobyerno kabilang ang state universities and colleges, local government units, at pribadong sektor ay hinihikayat na makilahok sa suportahan ang DOTr at LTFRB sa programa.





