Kabuoang 300 police trainees ang pormal na kinilala ng Police Regional Office (PRO-5) sa isang seremonya na idinaos sa Brgy. Duran, Nabua, Camarines Sur nitong Biyernes, April 12, 2024.
Dumalo sa pagtitipon si dating Ako Bicol Partylist Congressman Atty. Alfredo Garbin Jr., Police Regional Office (PRO) 5, RTC mentors, RTC Bicol Advisory Group at mga kamag-anak at kaibigan ng mga trainees.
Pinangunahan ni Atty. Garbin ang opening of collars at rolling of sleeves ng police trainees na isang simbolong kumikilalang bahagi sila ng Philippine National Police (PNP).
Aniya, naway maging tapat at dedikadong pulis ang mga batch na ito ng kapulisan.
Sa darating na May, gaganapin ang graduation ceremony ng class Mabanaag.






