Aabot sa 101 sako ng solid waste na may timbang na 349.1 kilo ang nakolekta sa coastal shorelines ng Barangay Dapdap at Puro sa Lungsod ng Legazpi sa isinagawang nationwide Simultaneous Coastal Cleanup ngayong araw, Hunyo 07, 2024 kasabay ng paggunita ng World Oceans Day (WOD).
Ang tema ng aktibidad ay “Awaken New Depths” na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol, katuwang ang Environmental Management Bureau (EMB), at Mines and Geosciences Bureau (MGC).
Ayon kay Assistant Regional Director for Special Concerns (ARD-SC) Adona San Diego, mahalagang isinasagawa ang mga ganitong aktibidad at mapalawak ang kamalayan ng publiko sa kapaligiran.
Importante aniyang maturuan ang mga komunidad para matiyak ang sustainable future para sa ating mga dagat.
Karamihan sa mga nakolektang basura ay mga upos ng sigarilyo, plastic cups, food at candy wrappers, bote, takip ng bote, damit, condoms, diapers, tsinelas, face masks, lauran, at ilang piyesa ng appliances.
Nitong 2023, kabuoang 838 kilogram ng basura ang nakolekta sa coastal barangay ng Rawis at Arimbay sa naturang lungsod.






