ALBAY – Idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang 38 barangay sa Lungsod ng Tabaco na drug-cleared.
Nasa siyam na barangay sa lungsod na lamang ang patuloy na nililinis mula sa impluwensya ng ilegal na droga. Kabilang ang mga barangay ng Bacolod, Matagbac, Salvacion, San Lorenzo, San Ramon, San Roque, San Vicente, Santo Cristo at Tayhi.
Batay sa datos, 12 operasyon laban sa iligal na droga ang matagumpay na naikasa ng awtoridad sa unang anim na buwan ng 2024.
Sa mga naturang operasyon, 16 na drug personalities ang naaresto habang pumalo 3 million pesos ang nasamsam na droga o 443 grams ng droga.
Ayon sa PDEA kinakailangang paigtingin pa ng PDEA, Philippine National Police (PNP), Local Government Unit (LGU), Brgy. Officials at ng mga mamamayan ang pagtutulongan upang tuluyan ng matuldokan ang pag laganap ng droga sa lungsod at upang maideklara na rin itong drug free city.
Samantala, 558 barangays na ang naideklarang drug free sa buong Albay at 40 barangay ang hindi pa nakakalya sa masamang impluwensya ng iligal na droga.






