Tinanggal ng Commission on Elections (Comelec) ang nasa 5.1 million na pangalan mula sa opisyal na listahan ng registered voters para sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, nasa 5,105,191 registered voters ang na-deactivate mula sa official list habang 248,972 ang tinanggal.
Paliwanag ni Garcia, kaya natanggal sila sa listahan dahil sa kabiguang makaboto sa dalawang magkakasunod na regular elections, sa pamamagitan ng court order, kawalan ng Filipino Citizenship, at walang non-valid documents.
Samantala, nakatanggap ang poll body ng 403,329 applications for reactivation mula February 12 hanggang July 20
Sa ngayon, aabot sa 4.6 million voters ang nakaparehistro para sa 2025 NLE.
Ang voters registration para sa May 2025 midterm election ay magsisimula a February 12 at magtatapos sa September 30.
Ang mga aplikante ay maaaring magparehistro sa mula Lunes hanggang Sabado, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa mga opisina ng Comelec sa buong bansa.






