Tinatayang nasa 500,000 pamilya o household beneficiaries ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang nakatakdang magsipagtapos sa katapusan ng 2024.
Ayon kay 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace, ang mga graduating households ay hudyat na nakaalis na sila mula sa kahirapan.
Lumalabas sa kanilang assessment na self-sufficient na ang mga naturang households.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11310 o 4Ps Act, ang programa ay magbibigay ng conditional cash transfer sa mahihirap na pamilya sa loob ng hanggang pitong taon.
Sa loob ng mga taong ito, ang mga pamilya ay bahagi ng case management process.
Ang 4Ps ay national poverty reduction strategy and human capital investment program na nakadisenyo para magbigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap na pamilya para mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga bata.






