LEGAZPI CITY, ALBAY – Mahigpit na binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) at ng Albay Police Provincial Office (PPO) ang nasa 56 na barangay sa lalawigan na isinailalim sa red category ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Matatandaang inilagay sa COMELEC control ang bayan ng Libon, at 47 barangay ay inilagay sa red category dahil sa presensya ng mga rebeldeng grupo at binabantayang Concepcion group.
Walong barangay sa Daraga rin ang inilagay sa red category kabilang ang Canarom, Gapo, Ibaugan, Pandan, Peñafrancia, Lacag, Talahib, at Villa Hermosa habang ang Barangay Cagbacong din sa Lungsod ng Legazpi ay nasa ilalim din ng red category.
Sa ilalim ng red category, mahigit itong binabantayan ng pwersa ng pulisya at militar upang mapanatili ang mapayapa at maayos na pagdaos ng halalan.






