CAMARINES SUR – Natupok ng apoy ang anim na magkakatabing tindahan sa Tamban Port sa Barangay Tamban, Tinambac umaga nitong Hulyo 1, 2024.
Ayon kay SFO3 Damaso Boncodin III ang OIC ng Tinambac Fire Station, isang concerned citizen ang nagpaabot sa kanila ng insidente. Kaagad naman umano nila itong nirespondehan. Dahil sa lakas ng sunog ay tumulong na rin sa pag-apula ang Goa, Calabanga, at Lagonoy Fire Station.
Patuloy pang inaalam ng awtoridad kung ano ang dahilan ng sunog.
Samantala, wala naman na nasugatan sa insidente pero tinatayang aabot sa 1 milyong piso ang halaga ng iniwan na pinsala ng sunog.
Batay sa datus, ito na ang ika-apat na sunog na naitala sa nasabing bayan mula nitong Abril 2024.






