Aabot sa higit 600,000 Bicolano ang natulungan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula 2022.
Ang TUPAD ay isang community-based package assistance na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa displaced workers, underemployed at seasonal workers sa loob ng hanggang 30 araw, depende sa trabahong gagawin.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas Forum, sinabi ni DOLE Bicol Assistant Director Imelda Romanillos, nasa 654,412 individuals mula sa anim na probinsya sa rehiyon ang nabigyan ng emergency employment.
Bukod sa community service, nakikipag-ugnayan din sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa reforestation program, sa National Irrigation Administration para sa irrigation programs, sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa food and water project, at sa Department of Education (DepEd) para sa classroom at school beautifications.
Binigyang diin ni Romanillos na tanging isang miyembro lamang ng kada pamilya ang maaaring maging benepisyaryo ng TUPAD sa isang taon.
Para sa iba pang programa ng DOLE, sinabi ni Romanillos na nasa 11,497 Kabataang Bicolano ang natulungan ng Special Program for Employment Students, 14,845 ang nai-deploy sa iba’t ibang government agencies sa ilalim ng Government Internship Program (GIP).
Nasa 16,536 na Bicolanong benepisyaryo ang nakatanggap ng DOLE Integrated Livelihood Program.






