ALBAY – Lumahok ang nasa 62 football teams mula sa iba’t ibang bahagi ng Kabikulan sa Congressman Jil Bongalon Cup 7-Aside Football Tournament sa Tabaco National Football Ground, Lungsod ng Tabaco nitong Hunyo 15, 2024
Naglaban-laban ang mga koponan sa apat na kategorya ng torneyo kabilang ang Under 13, Under 17, Men’s Open, at Women’s Open.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Jil Bongalon, mahalaga ang pagsusulong ng mga ganitong sports sa mga kabataan at malaking tulong ito para mailayo sila sa masamang bisyo.
Katuwang din sa pagdadaos ng aktibidad ang Tabaco United Football Club, para sa namumuno nitong si Tramp Ceruelos, maliban sa mai-promote ang sportmanship, hangad din niyang mas makilala pa ang nasabing sport ng mga Bicolano.
Sa opisyal na pagtatapos ng torneyo, hinirang bilang kampyon sa Under 13 category ang San Isidro Foofball Team, panalo sa Under 17 category ang Samanea Football Club, BFC Futbuoleras naman sa Women’s Open category at Mama Nangs ng Camarines Sur naman ang nag-uwi ng panalo sa Men’s Open category.
Ito ang ikalawang beses na nagkaroon ng Cong Jil. Bongalon Cup.






