Umabot sa kabuoang 65,000 jobseekers ang agad natanggap sa kanilang trabaho sa isinagawang iba’t ibang nationwide job fairs nitong 2024, ito ang ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes, Enero 20, 2025.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, nasa 1,800 job fairs ang isinagawa noong nakaraang taon sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO) at ng mga lokal na pamahalaan, at nasa 400,000 aplikante ang lumahok.
Alok na mga trabaho sa naturang job fairs ang may kinalaman sa retail, service, at manufacturing sectors.
Sinabi rin ni Laguesma na nakatuon din ang pamahalaan sa emerging sectors tulad ng digital economy, healthcare, at green economy, para makapaglikha pa ng maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Samantala, tiniyak din ng DOLE na sumusunod sa mahigpit na eligibility guidelines ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) lalo na ngayong panahon ng halalan.




