Tinupok ng apoy ang pitong kabahayan sa Purok 1, Barangay Montecalvario, Bulan, Sorsogon umaga nitong Sabado, Marso 23, 2024.
Base sa imbestigasyon, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa lamang ang mga kabahayan light materials.
Inabot ng isang oras bago naapula ang sunog sa pagtutulungan ng awtoridad at mga residentes.
Tinatayang aabot sa 100,000 pesos ang halaga ng pinsala ng naturang insidente.
Sa datus ng Bureau of Fire Protection (BFP), ito na ang pang anim na kaso ng sunog sa nasabing bayan ngayong taon.





