Aabot sa halos 7,000 pamilyang na-displaced dahil sa Bagyong Carina at Hanging Habagat ang makakatanggap ng food packs at 5,000 cash aid mula sa Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), at kay House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Romualdez, na nanguna ng aid distribution sa San Juan at Caloocan City, patuloy ang kanilang pamamahagi ng relief packs para matiyak na makakatanggap ang mga apektadong kababayan ng kinakailangang supplies sa panahong ito.
Dagdag pa ni Romualdez, ang mga miyembro ng Kamara ay naghahatid din ng tulong sa kanilang mga kababayan.
Bukod sa tulong mula sa DSWD, ang Office of the House Speaker ay magbibigay din ng 20,000 food packs na naglamaman ng tatlong kilo ng bigas, delatang pagkain, kape at iba pa.






