SORSOGON – Aabot sa 79 employers ang nabisita ng Social Security System (SSS) Run After Contribution Evaders (RACE) Team sa Sorsogon upang matiyak na nagbabayad ang mga ito ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado.
Ayon sa SSS Sorsogon, ang 79 employes na kanilang binisita ay may kabuuang 787 mangagawa sa lalawigan ng Sorsogon simula pa noong Abril 2022 at siyam na employer na ang nakapag-settle at may full payment na ng SSS contribution para sa kanilang mga empleyado.
Umabot na sa P9,313,556.32 ang total billing ng 79 employer kung saan P2,721,055.19 ang kabuuang halagang nabayaran ng mga ito.
Kaugnay nito, iminungkahi rin nga opisina sa mga empleyado na sa pamamagitan ng SSS apps mas madali na ang pag access ng bawat indibidwal sa kanilang employer’s contributions, payments at iba pang services ng SSS, kailangan lamang na magrehistro sa www.sss.gov.ph.






