Patay ang isang 18-anyos na motorcycle rider matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa Barangay F. Simeon, Ragay, Camarines Sur, gabi nitong Marso 25.
Ayon kay Police Corporal Ricky Petrola ng Ragay Municipal Police Station (MP, parehong direksyon ang tinatahak ng motorsiklo ng biktima pero bigla itong nag-overtake kung saan nagkataon namang papaliko sa intersection ang owner type jeep na minamaneho ng 52-anyos na lalaki na nauwi sa aksidente.
Kritikal naman ang backride nitong 18-anyos na babae na backride ng biktima.
Isinugod sa ospital ang rider subalit binawian ito ng buhay
Lumalabas na may dalang helmet naman ang mga biktima, subalit hindi nila ito suot.
Hindi na nagsampa pa ng kaukulang kaso ang pamilya ng biktima matapos ang mag-usap ang magkabilang panig.






