ALBAY – Patay ang isang padre de pamilya matapos malunod sa dagat sakop ng Purok 7, Barangay Igang, Bacacay, Albay hapon ng Martes, Abril 9, 2024.
Kinilala ang biktimang si Gerry Balolo, 54-anyos, residente ng Purok 2, Brgy. San Pedro ng nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon ng Bacacay Philippine National Police (PNP), lumalabas na kasama ng biktima ang kaniyang mga kaibigan matapos magkayayaang maligo sa dagat at mag-inuman na nauwi sa disgrasya.
Makalipas ang kalahating oras, natagpuan na ang biktima, ilang metro ang layo sa bahagi ng dagat kung saan huli itong nakita.
Sinubukan pa itong dalhin ng rescuers sa Rural Health Unit pero binawian pa rin ng buhay.






