ALBAY – Sumailalim ang piling estudyante ng Tabaco National High School sa Good Governance Youth Forum on Road Safety nitong Mayo 10, 2024.
Kabuuang 800 na Grade 12 student sa Humanities and Social Sciences ang nakilahok sa nasabing pagtitipon.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante patungkol sa road safety upang mabawasan ang aksidente sa daan.
Ayon sa organizer ng aktibidad na si Hansel Burce, nararapat lamang na magmula sa paaralan ang mga ganitong kaalaman lalo na at mga kabataan ang nadidisgrasya sa daan.
Dumalo rin sa forum si Ako Bicol Partylist Representative Attorney Jil Bongalon kung saan pinuri ng opisyal ang inisyatibo ng paaralan lalo pa’t dumarami ang bilang ng mga nasasawi sa road crash.
 
					 
							 
										






