LEGAZPI CITY, ALBAY – Hinihikayat ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol) ang mga kababaihang may edad 30 hanggang 65 taong gulang na sumailalim sa libreng cervical cancer screenings sa pinakamalapit na health center sa ginawang press conference ng ahensya sa Daet, Camarines Norte kaugnay ng pagdiriwang ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong taon.
Bilang bahagi ng Nationwide Cervical Cancer Screening Services Campaign nito, ang DOH na magsasagawa ng libreng screening sa hindi bababa sa 51,000 karapat-dapat na Bikolano simula ngayong buwan hanggang Disyembre 2024.
Ayon sa DOH Bicol, magsasagawa sila ng libreng screening sa kwalipikadong 51,000 kababaihan sa rehiyon simula ngayong buwan ng Mayo hanggang Disyembre 2024.
Base sa datos ng ahensya, nasa 0.62% pa lamang ng mga kababaihan sa rehiyon ang na na-screened sa cervical cancer batay sa 2023 FHSIS report.
Ilan sa mga risk factors ng cervical cancer ay ang pagkakaroon ng maraming sex partners, paggamit ng birth control pills ng higit sa limang taon, Human Papilloma Virus (HPV) infection, pagkakaroon ng higit sa 3 anak, at Human Immunodeficieny Virus (HIV) infection.
Kabilang sa sintomas nito ay vaginal bleeding, hindi pangkaraniwang vaginal discharge, pananakit ng ibabang bahagi ng tiyan, pananakit habang umihi o nakikipagtalik, at pagdurugo sa pagitan ng buwang dalaw.
Dagdag ng ahensya, maaring maiwasan ang pagkakaroon ng Cervical cancer sa pagsunod ng ABCDV rule o Abstinence, Be faithful to one partner, Condom, Doctor Consultation and regular cervical cancer screening, Vaccination.
Bukod dito, may iba pang cancer detection at prevention services na makukuha sa mga health center kabilang na rito ang HPV vaccination para sa mga batang may edad 9-14 taong gulang, Hepatitis B vaccination para maiwasan ang pagkakaroon ng liver cancer), at screening para sa cervical cancer, breast cancer, prostate cancer, and colorectal cancer.






