Para mas mapahusay at lumago ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Bicol Region, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Bicol, sa pamamagitan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program.
Ayon kay BFAR Bicol Spokesperson Rowena Briones, ang mga miyembro ng Poblacion Fisherfolk Association sa Sorsogon at iba pang fisher groups ay natuto ng sustainable practices sa fish processing at paggawa ng dekalidad na produkto.
Ang fish processing training aniya ay bahagi ng kanilang region-wide innovative technology training para sa mga benepisyaryo ng SAAD program.
Ang nabanggit na fisher group ay tinuruan sa paggawa ng tinapa. Isinagawa rin ang kahalintulad na training sa San Vicente Tilapia Growers Association mula sa San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.
Nakatuon ang training sa proper fish handling, hygiene practices, food safety standards, at step-by-step procedures ng smoked-fish processing.
Nagkaroon din ng training sa mga fisherfolk organization sa Sta. Magdalena, Sorsogon habang may mga gagawin ding trainings sa mga bayan ng Gigmoto at Panganiban sa Catanduanes, maging sa Sta. Elena, Camarines Norte, at Castilla, Sorsogon.






