Pormal nang pinasinayaan ang pagtatayo ng 10-storey legacy building, ang Integrated Specialty Care and Wellness Center sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) nitong Biyernes, Hunyo 7, 2024.
Pinangunahan ang espesyal na okasyon nina House Speaker Martin Romualdez, Ako Bicol Partylist Cong. Zaldy Co, Ako Bicol Partylist Cong. Jil Bongalon, Ako Bicol Executive Dir. Atty. Alfredo Garbin Jr. Albay 2D Cong. Joey Salceda, iba pang miyembro ng House of Representatives, Polangui Mayor Adrian Salceda, DOH Bicol Regional Director Rodolfo Albornoz, ALECO Acting Regional Director Wilfedo Bucsit, at mga staff ng BRHMC.
Ayon kay Cong. Co, ang proyektong ito ay legacy specialty hospital na ipapatayo nina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Romualdez para mailapit ang mahusay na medical services sa bawat Bicolano.
Magkakaroon ito ng iba’t ibang specialty treatment services tulad ng Lung center, Heart center, at iba pang pasilidad.
Ito ay mayroon 433 bed capacity na may state of the art facilities tulad ng MRI at CT Scan, hatid ay modernong medical diagnosis at treatment sa rehiyon.
Bukod dito, inihayag din ni Cong. Co na isinusulong din ng administrasyon ang iba pang legacy projects partikular sa food security at housing.
Prayoridad din ang pagpapabuti ng serbisyo ng kuryente sa Albay kung saan naglaan ang pamahalaan ng 300 milyong piso para rito.
Isisnusulong din pagkakaroon ng superhealth centers para sa mahusay na serbisyong pangkalusugan, tinututukan din ang MICES para sports at educational events, pagtatayo ng heaven legacy para sa mga inabandonang lolo at lola at mga inabusong kababaihan at kabataan.
Patuloy din ang pagtatayo ng evacuation centers at multipurpose centers sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon na magagamit sa oras ng kalamidad.
Mas paiigitingin din ang paghahatid ng social services sa Kabikulan katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).






