ALBAY – Namahagi ang Sunwest Care Foundation Inc. (SCFI) ng school supplies sa 227 estudyante mula sa Misibis Elementary School mula Kinder hanggang Grade 6 nitong Hunyo 14, 2024 sa Barangay Misibis sa bayan ng Bacacay.
Ayon kay SCFI Executive Director Gemma Quiros, layunin ng aktibidad na matulungan ang mga mahihirap na komunidad na nasa ilalim ng kanilang programang Adopt a School Program.
Sa ganitong inisyatibo, nababawasan ang suliranin ng mga nagpapaaral na magulang. Bukod sa pamimigay ng school supplies, 290 pamilya pa sa naturang barangay ang nabigyan ng kitchenware.
Nagkaroon din ng raffle draw at pamimigay ng iba’t ibang housewares.
Nakibahagi rin sa distribusyon ang asawa ni Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co na si Ms. Mylene Co kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
 
					 
							 
										






