ALBAY – Idinala ng Ako Bicol Partylist at partner organizations ang Tarabangan Caravan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Rapu-Rapu.
Sa naging aktibidad, 500 benepisyaryo ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal
Ayon kay Ruby Ann Bayoca ang Municipal Coordinator ng Ako Bicol Partylist sa naturang isla, malaking bagay ang caravan sa mga residente lalo na at tanging pangingisda lamang ang hanapbuhay sa isla, hindi sapat para matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga mahihirap tulad sa aspetong medikal.
Bagamat hindi personal na nakadalo sa aktibidad, nagpaabot ng mensahe si Ako Bicol Partylist Representative at Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, umaasa siyang magbigay ginhawa ang Tarabangan Caravan sa mjga residente na hatid ay libreng serbisyo.
May wheelchair ring ipinamahagi sa ilang piling benepisyaryo mula Barangay Malubago, San Ramon, Mananao, Sagrada at Barangay Masaga. May handog ding libreng gupit rin, snacks, at mga regalo.
Nagkaroon din ng local recruitment ang Sunwest Care Foundation Incorporated.
Samantala, naging posible ang aktibidad dahil sa walang sawang suporta ng Tanchuling Hospital, Philippine National Police (PNP), Philippine Navy, Philippine Army, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa Bicol.






