ALBAY – Sugatan ang nasa apat na katao na kawani ng isang telco matapos mahulog sa malalim na bahagi ng kanal ang kanilang sinasakyang service vehicle sa Purok 1, Barangay Cuyaoyao, Pio Duran, Albay pasado alas 4:00 ng hapon nitong Sabado, Hunyo 29, 2024.
Napag-alamang mula Mariveles, Bataan, mag-aayos sana ng serbisyo ng kanilang kumpanya sa naturang bayan ang mga biktima ngunit dala umano ng antok at pagod sa biyahe, nakatulog ang drayber kaya nahulog ang kanilang sasakyan sa kanal na nasa tatlong metro ang lalim.
Agad na isinugod sa Pio Duran Memorial District Hospital ang drayber at 3 nitong kasamahang technicians na nasugatan sa aksidente.
Kaugnay nito, muling nag paalala ang awtoridad lalo na sa mga hindi pamilyar sa lugar na maging mas alerto at maingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang pagkaka-aksidente.






