Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol nitong Setyembre 5, 2024 na tatlo ang naitalang nasawi habang 15 mangingisda ang naiulat na nawawala sa Bicol matapos ang pananalasa ng Bagong Enteng.
Ayon kay OCD Bicol Spokesperson Greml Alexis Naz, ang tatlong nasawing naitala ay sumasailalim sa validation ng local disaster risk reduction and management council sa Naga City sa Camarines Sur at Jose Panganiban sa Camarines Norte.
Ang mga biktima ay 57-anyos mula sa Naga City na aksidenteng nakuryente; isang 8-buwang gulang na babaeng sanggol na nalunod; 48-anyos na lalaki na natagpuang patay sa Jose Panganiban.
Patuloy ang search and rescue operations sa 15 nawawalang mangingisda mula Jose Panganiban at Mercedes sa Camarines Norte.
Nakapagtala rin ang OCD Bicol na 546 na bahay na napinsala sa Masbate at Camarines No9rte.
Aabot naman sa 4,927 na pamilya o 14,695 na indibiduwal ang naapektuhan ng kalamidad.
Nasa 39 na siyudad at munisipalidad sa rehiyon ang nakapagtala ng pagbaha.





