Kabuoang 27,358 indibiduwal ang nakapagtapos mula sa technical-vocational educational at training (TVET) courses na alok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Bicol Region sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas Forum, sinabi ni TESDA Bicol Regional Director Mariglo Sese, kahit nakapagtapos na ang mga ito, patuloy nila itong mino-monitor at binibigyan ng employment opportunities.
Batay sa isinagawa nilang employability survey sa TVET graduates sa Bicol, 83.98 percent sa kanila ang nakahanap ng trabaho.
Dagdag pa ni Sese, bukas sa lahat at libre ang TESDA Programs para sa mga nais at kwalipikadong mag-avail.
Sa Bicol, mayroong 7 TESDA Centers, walong training centers, 128 private technical vocational institutions, 21 higher education institutions, 33 farm schools, at 71 mobile training programs.
Mayroon ding 3,157 TVET trainers, 389 training providers, 1,487 registered TVET programs, 441 accredited assessment centers, at 572 accredited assessors.






