Nakapagtala na ang Commission on Elections (Comelec) ng higit 68 million registered voters para sa 2025 national and local elections (NLE) at Bangsamoro Parliamentary Elections.
Lumalabas sa datos na mula nitong Oktubre 31, nasa 68,618,667 voters na ang nakarehistro.
Mula sa nasabing bilang, 33,690,884 ay mga lalaki, habang 34,927,783 ay mga babae. Kabuoang 1,667 office of election officers (OEO) ang nakatanggap ng registrations.
Sa CALABARZON naitala ang pinakamataas na bilang ng registrants na nasa 9,764,170. Kasunod ang Central Luzon (7,712,535), at National Capital Region na may 7,562,858, at Ilocos Region na may 3,651,539.
Ang Cordillera Administrative Region ang may pinakamababang registrants na nasa 1,111,859.





