Nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang administrative order na nag-ootorisa sa one-time grant ng rice assistance sa military at uniformed personnel ngayong taon.
Sa ilalim ng Administrative Order No. 26, ipapamahagi ang tig-25 kilo ng bigas sa bawat unipormadong tauhan ng pamahalaan basta sila ay nasa aktibong serbisyo mula Nobyembre 30, 2024.
Sakop nito ang mga sumusunod na ahensya:
Armed Forces of the Philippines
Philippine National Police
Bureau of Fire Protection
Bureau of Jail Management and Penology
Philippine Public Safety College
Bureau of Corrections
Philippine Coast Guard
National Mapping and Resource Information Authority
Maaaring i-claim ng mga eligible personnel ang kanilang rice benefit mula December 2024 hanggang Marso 2025 sa mga itinalagang warehouses ng National Food Authority (NFA).




