Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Buklang Kanlaon sa Negros Island.
Ayon kay Pangulong Marcos, sinimulan na ang pamamahagi ng food packs sa mga apektadong pamilya.
Batay sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang pagputok ng Kanlaon nitong Lunes, Disyembre 9, 2024 ay nagtagal ng 3 minuto at 55 segundo.
Ang Pyroclastic density currents ay umabot ng 2 hanggang 3.4 kilometro mula sa crater.
Aabot sa 87,000 residente na nakapaligid sa Bulkang Kanlaon ang apektado, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Samantala, ipinag-utos ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro ang forced evacuation sa 54,000 indibiduwal na nakatira sa loob ng 6-kilometer danger zone ng Mt. Kanlaon.
Ang pinakakritikal na lugar ay ang La Castellana sa Negros Occidental, at Canlaon City sa Negros Oriental.




