Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang P6.352-trillion proposed 2025 national budget sa Disyembre 30, 2024, ayon kay Presidential communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez.
Ayon kay Chavez, gagawin ng pangulo ang paglalagda pagkatapos ng Rizal Day program sa Maynila.
Magugunitang lalagdaan sana ng punong ehekutibo ang panukalang budget noong Disyembre 20, subalit sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi ito natuloy para mabusising mabuti ang budget measure.
Nagkaroon ng konsultasyon si Pangulong Marcos sa mga pinuno ng iba’t ibang ahensya para rito.
Sa ilalim ng Konstitusyon, maaaring mag-veto ang Pangulo ng mga probisyon sa budget bill.





