Nasa 90-porsyento ng mga Pilipino ang sasalubong sa taong 2025 na may pag-asa, batay sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Gayumpaman, lumalabas sa survey na mababa ito kumpara sa 96% na naghayag ng pag-asa sa bagong taon noong 2023.
Ayon din sa SWS survey, 10% ng mga respondents ang nagsasabing papasok sila ng 2025 na may pangamba o takot, mataas kumpara sa 3% na naitala noong 2023.
Sa Balance Luzon, 92% ang hopeful sa bagong taon, 91% sa Metro Manila, 89% sa Mindanao, habang 87% sa Visayas.
Pero mababa ito kumpara sa 97% sa Balance Luzon at Metro Manila, 96% sa Mindanao, at 93% sa Visayas noong 2023.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,160 adult respondents sa buong bansa.



