Nananatili pa rin at hindi nagbabago ang opinyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ukol sa impeachment cases na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ito ang pahayag ng Malacañang sa mga tanong kung may epekto ang isinagawang peace rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa kasalukuyang katayuan ng punong ehekutibo sa usapin ng impeachment.
“The president’s position on the impeachment move in the HoR (House of Representatives) has not changed,” sabi ni Bersamin.
“The President has been very clear about his position on this. So any suggestion na political iyan or instigated by our side, no. That is never true,” dagdag pa ng Palace official.
Tinatayang nasa 1.8 million katao mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang lumahok sa peace rally ng INC nitong Lunes, Enero 13, 2025.
Matatandaang nitong Disyembre 19, 2024, isinampa ang ikatlong impeachment laban kay VP Duterte.




