Bukas si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa mungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na adjusted working hours sa mga opisina ng gobyerno sa National Capital Region (NCR).
Magugunitang irerekomenda ng MMDA sa Punong Ehekutibo ang 7:00 am – 4:00 pm adjusted working hours sa mga government agencies sa NCR para mapaluwag ang trapiko bilang paghahanda sa nakatakdang rehabilitasyon ng EDSA ngayong taon.
Pero ayon din kay Pangulong Marcos, kailangan ding malaman kung ano ang praktikal para sa commuting public.
Una nang sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na batay sa isang pag-aaral, lumalabas na ang modified work schedule sa mga local na pamahalaan sa NCR ay makakatulong para mabawasan ang trapiko.






