ALBAY – Iba’t ibang produkto tulad ng mga prutas, gulay at native delicacies ang mabibili sa loob ng Kampo Heneral Simeon Ola sa Legazpi City nitong Biyernes, Pebrero 2.
Tinawag ang programag ‘Agraryo Merkado sa Kampo’ na sinimulan ni dating PNP Bicol Director Police Brigadier General Westrimundo Obinque na ipinagpatuloy naman ni Police Brigadier General Andre Dizon nitong Disyembre 2023.
Aabot sa 30 indibidwal ang nabigyan ng pagkakataong makapagpwesto sa loob ng kampo bitbit ang kani-kanilang mga panindang produkto.
Ayon kay Police Major Vanessa Aquiatan, naging posible ang naturang aktibidad sa pakikipagtulungan sa kanila ng Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol.
Layunin ng programa na matulungan ang mga lokal na magsasaka sa Albay.
Samantala, bukas lamang ito tuwing Biyernes mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.






