LEGAZPI CITY, ALBAY – Nakamit ng Ako Bicol Partylist ang ikaapat na pwesto sa mga nangungunang partylist, batay sa voter preference ng OCTA Research.
Lumalabas na nakakuha ang Ako Bicol ng suporta mula sa mga botante na nasa 4.20%, garantiya ang tatlong pwesto sa Kongreso.
Nangunguna sa listahan ang ACT-CIS na may 8.70%, kasunod ang Tingog Partylist na may 5.77%, habang nasa ikatlong pwesto ang 4Ps Partylist na may 5.40%.
Nasa ikalima hanggang pang-11 pwesto ang GP (Galing sa Puso) Partylist, Duterte Youth, TUPAD, Malasakit @ Bayanihan, Ang Probinsyano, at FPJ Panday Bayanihan, na may dalawang garantiyang pwesto sa Kamara.
Ang survey ay isinagawa mula Marso 18 hanggang 24, 2025 sa 1,200 respondents na may margin of error na +/-3%.





