CAMARINES SUR – Naglunsad ng tree planting activity ang Ako Bicol Partylist sa Balatan Road, Barangay Odicon, Pasacao, Camarines Sur nitong Hunyo 01, 2024.
May tema ang aktibidad na Land Restoration, Desertification and Drought Resilience.
Kabuoang 2,000 seedlings ng Pili, Baligang, Gumihan, Langka, at Rambutan ang itinanim sa aktibidad na mula sa tanggapan ng Department of Environment and Naturang Resources (DENR).
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, bukod sa pagtulong, nakatuon din sila sa pagsasa-ayos at pagpapaganda ng kapaligiran na makakatulong lalo na sa mga darating na henerasyon.
Ayon sa coordinator ng Ako Bicol Partylist sa Camarines Sur na si Jerson Alvarez, bahagi lamang ito ng kanilang pakikiisa sa World Environment Day na taon-taon nilang ginagawa.
Aktibo namang nakilahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Coast Guard, lokal na pamahalaan at mga residente.






