ALBAY – Nabigyan ng libreng serbisyong medikal ng Ako Bicol Partylist ang nasa 500 Albayano sa ginanap na Tarabangan Caravan sa bayan ng Polangui nitong Hunyo 27, 2024.
Bukod sa medical at dental mission, nag-alok din ng libreng gupit, masahe, manicure at pedicure. Nagkaroon din ng local recruitment activity ang Sunwest Care Foundation Inc. (SCFI).
Nakibahagi rin sa programa ng Ako Bicol ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nais mag enrol sa kanilang vocational courses.
Layunin ng aktibidad na mailapit ang serbisyong medikal lalo na sa mga Bicolanong nasa laylayan.
Samantala, sa darating na Hulyo 5, 2024, dadalhin naman ng Ako Bicol Partylist ang Tarabangan Caravan sa Tiwi, Albay.






