MASBATE – Narekober ng mga awtoridad ang matataas na kalibre ng armas at pampasabog na pinaniniwalaang mula sa New Peoples’ Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Sitio Manislag, Barangay San Isidro, Masbate nitong Hunyo 20, 2024.
Ito ay matapos itimbre sa mga awtoridad ng isang aktibong NPA member ang kinaroroonan ng mga gamit.
Kasama sa mga nakuha sa operasyon ang walong piraso ng malotov o manmade grenade, 2 piraso ng IED, 2 mahabang magazine para sa 5.56 rifle, 150 piraso ng ammunitions at iba pang gamit.
Nauna nang itinurn-over ng sumukong rebelde ang isang unit ng caliber 223- 5.56 MM, MOD R4, dalawang magazine at 56 na live ammnunitions.
Nasa kustudiya na ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) ang mga narekober na gamit.






